IGINIIT | Sec. Andanar hindi mahihiwalay sa administrasyon sa inaasahang rigudon sa gabinete

Manila, Philippines – Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin sa kanyang poder si Communications Secretary Martin Andanar sa oras na magkaroon ng balasahan sa kanyang gabinete na resulta naman ng inaasahang pagtakbo ng ilan sa mga ito sa halalan sa susunod na taon.

Ayon kay Pangulong Duterte, kailangang nandyan pa rin si Andanar sa kanyang gabinete.

Pero wala namang partikular na binanggit si Pangulong Duterte kung saan ililipat si Andanar sa oras na mawala na ito sa Presidential Communications Operations Office (PCOO) at pormal nang mabuo ang Office of the Press Secretary (OPS).


Pero pabiro din namang sinabi ni Pangulong Duterte na malabong maging Presidential Adviser for Political affairs si Andanar dahil kahit minsan naman ay hindi ito nanalo sa isang halalan.

Matatandaan na sinabi ni Presidential Adviser for Political Affairs Secretary Francis Tolentino na tinawagan siya ni Andanar para alamin kung ano ang mga trabahong ginagawa ng isang political adviser ng Pangulo.

Facebook Comments