Manila, Philippines – Iginiit ng Department of Budget and Management (DBM) na malabong pumalo sa ₱58 ang palitan ng piso kontra dolyar sa taong 2019.
Ayon kay DBM Secretary Benjamin Diokno, matatag ang foreign direct investment at remittances ng Overseas Filipino Workers (OFWs).
Sa katunayan aniya, tumaas pa ang OFW remittances nitong Hulyo sa halagang $2.4 billion kumpara sa naitala noong buwan ng Hunyo.
Facebook Comments