IGINIIT | Sec. Guevarra, nanindigan na nasa Pilipinas pa rin si Peter Lim

Manila, Philippines – Nananatili sa Pilipinas si suspected drug lord Peter Go Lim.

Iginiit ni Justice Secretary Menardo Guevarra na batay sa record ng Bureau of Immigration (BI), nasa Pilipinas pa rin si Lim.

Nanindigan din si Guevarra na hindi pa kailangan sa ngayon ang paghingi ng tulong sa International Criminal Police Organization o InterPol.


Una nang pinatungan sa ulo ng pamahalaan ng kalahating milyong piso si Lim.

Nanindigan din ang justice secretary sa pagbabala sa sino mang nagkakanlong kay Peter Go Lim na sila ay mananagot sa batas.

Facebook Comments