Manila, Philippines – Iginiit ni Committee on Public Information ang Mass Media Chairperson Senator Grace Poe na isailalim sa mahigpit na security evaluation ang lahat ng aplikante para maging ikatlong telecommunication company sa bansa.
Sa impormasyon ni Senator Poe, walong bidders ay pawang mga dayuhang kompanya.
Paliwanag ni Senator Poe, dapat siguraduhin na kung dayuhan ang magiging ikatlong telco ay hindi ito magagamit para tiktikan ang ating pamahalaan at ang mamamayang Pilipino.
Ayon kay Senator Poe, dapat masigurado na kung sinumang bansa ang mananalo sa bidding ay magkakaroon ng kasunduan na kapag nahuli sila na lumalabag sa ating national security policies ay maaaring bawiin sa kanila ang permit na magkaroon sila ng prangkisa sa ating bansa.