IGINIIT | Sen. Ejercito, kumbinsidong hindi dapat mag-armas ang mga pari

Manila, Philippines – Ikinalulungkot ni Senador JV Ejercito ang pagpaslang sa tatlong paring Katoliko.

Pero sa kabila nito ay kumbinsido si Ejercito na hindi kailangan na mag-armas ang mga alagad ng Diyos.

Suportado ni Ejecito ang posisyon ng Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP kontra sa mungkahi na armasan ang mga pari.


Ikinatwiran ni Ejercito na hindi bagay o akma sa mga pari na may baril habang itinuturo sa mamamayan ang pagpapalaganap ng kapayapaan at pagmamahalan.

Dagdag pa ni Ejercito, kumikilos naman na ang Philippine National Police (PNP) para maresolba ang lahat ng krimen laban sa mga pari.

Facebook Comments