IGINIIT | Sen. Gatchalian, kumbinsidong gusto ng mga taga-Mindanao ang martial law

Sa pagkakaalam ni Senator Win Gatchalian, ay gusto ng mamamayan ng Mindanao ang umiiral na martial law sa kanilang lugar dahil wala ng mga war lord na gumagala kaya mas tahimik ang pakiramdam nila.

Dagdag pa ni Gatchalian, marami siyang nakausap na negosyante na nagsabing suportado nila ang batas militar sapagkat may katahimikan at wala silang nai-engkwentro na masasamang elemento dahil maraming pulis at checkpoint.

Naniniwala din si Gatchalian na hindi nagdulot ng aberya sa investment o pamumuhunan sa Mindanao ang martial law kaya pumayag sila na mapalawig ito hanggang sa katapusan ng Disyembre ngayong taon.


Gayunpaman, kung muli itong palalawigin ay iginiit ni Gatchalian na dapat itong pag-aralang mabuti.

Ayon kay Gatchalian, mahalaga na magkaroon ng full briefing sa kanila ang security cluster para madetermina kung kailangan pa itong i-extend muli.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments