IGINIIT | Sen. Sotto at Pimentel, hindi naniniwala na gumamit ng marijuana si PRRD

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Koko Pimentel na hindi gumamit o humawak man lang ng marijuana si Pangulong Rodrigo Duterte sa buong buhay nito.

Ito ang binigyang diin ni Pimentel kahit si Pangulong Durterte mismo ang umamin na gumamit siya ng marijuana para manatiling gising sa kanyang pagdalo sa idinaos na 33rd ASEAN Summit na ginanap sa Singapore.

Sabi ni Pimentel, marahil ay nagbibiro lamang si Pangulong Duterte kaugnay sa kanyang kwento na parusa para sa kanya ang schedule ng nasabing event.


Sabi naman ni Senate President Tito Sotto III, kakaiba ang kwento ng Pangulong Duterte.

Paliwanag ni Sotto, ang marijuana ay pampakalma at hindi pampagising na taliwas sa kwento ng Pangulo.

Facebook Comments