IGINIIT | Sen. Zubiri, tiwalang matitigil ang mga pagpapasabog sa Mindanao kapag naipatupad na ang BOL

Manila, Philippines – Malaki ang tiwala ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na matutugunan ng implementasyon ng Bangsamoro Organic Law o BOL ang serye ng mga pagpapasabog sa Mindanao.

Pahayag ito ni Zubiri kasunod ng ilang insidente ng pagpapasabog, partikular sa Lamitan, Basilan kung saan 11 ang agad na nasawi.

Ayon kay Zubiri, ang terorismo ay isa sa target masolusyunan ng BOL.


Paliwanag ni Zubiri, ang BOL ang hinihingi ng mga Ulama para makumbinsi ang kanilang mga kasamahan na huwag suportahan ang mga terorista.

Ayon kay Zubiri, sa oras na maipatupad na ang BOL ay makikita ang pagbabagong hatid nito sa loob ng isa hanggang dalawang taon.

Facebook Comments