Manila, Philippines – Iginiit ni Senate President Tito Sotto III na hindi magsasagawa ng public hearings ang Senado tungkol sa panukalang package 2 ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion of Train 2.
Ayon kay Sotto, kailangan muna nilang matanggap ang aprubadong bersyon ng panukala ng kamara dahil ang tax bills ay dapat nagmumula muna mula sa mababang kapulungan base sa 1987 Constitution.
Hindi pa nila natatanggap ang kopya ng panukalang TRAIN 2.
Aniya, nag-iingat lamang sila lalo at tumaas ang inflation rate o halaga ng presyo ng bilihin at serbisyo nang ipinatupad ang TRAIN 1.
Facebook Comments