Manila, Philippines – Iginiit ni Senadora Cynthia Villar na nabigong gampanan ng mga kaukulang ahensya ng gobyerno sa rehabilitasyon ng Manila Bay.
Kinuwestyon ni Villar ang pag-iisyu ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng Environmental Compliance Certificate (ECC) para sa Manila Bay rehabilitation.
Ani Villar, salungat ito writ of mandamus na inisyu ng Korte Suprema na nag-uutos sa 13 government agencies na linisin at ibalik ang dating sigla ng Manila Bay.
Sabi ng senador, kahit may mga kautusan na ay hindi niya nakikitang umaayos ang kalagayan ng Manila Bay.
Ang Manila Bay ay isang historical landmark na naging tanyag sa magandang sunset view nito.
Facebook Comments