Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Leila De Lima na muling magsagawa ang Senado ng imbestigasyon ukol sa umano ay Extra Judicial Killings o EJK na diumano ay may kaugnayan sa war on drugs ng pamahalaan.
Apela ito ni De Lima kasunod ng pagkasawi sa kostudiya ng pulisya ng isang dating Overseas Filipino Worker na si Allan Rafael na may sakit ding cancer.
Nakarating kay De Lima na isinusulong na sa plenaryo ang report ni Committee on Justice Chairman Senator Richard Gordon kaugnay sa isinagawang mga pagdinig ukol sa serye ng patayan sa bansa na umano ay konektado sa kampanya laban sa ilegal na droga.
Pakiusap ni De Lima sa mga kasamahang senador, himaying mabuti ang report ni Senator Gordon at ikonsidera ang kanyang obserbasyon at dissenting report na isinumite noon pang December 2016.