Manila, Philippines – Walang mangyayaring pang-aabuso sa kapangayarihan sakaling matuloy ang planong pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng state of national emergency.
Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, maigting na babantayan ng Senado ang bawat hakbang ng administrasyon lalo na kapag natuloy na ang pagbabagong pinaplano ng Pangulo.
Aniya, wala siyang nakikitang masama sakaling ipatupad ang state of national emergency.
Gayunman, sinabi ni Zubiri na malayong mauwi sa deklarasyon ng martial law ang planong pagpapatupad ng state of emergency ng Pangulo.
Facebook Comments