Manila, Philippines – Ginarantiyahan ni Senator Panfilo Ping Lacson na hindi sangkot sa iligal na droga ang pinatay na si Tanauan City Mayor Antonio Halili.
Diin ni Lacson, kaibigan niya si halili at matagal na niyang kakilala noong sya ay nasa serbisyo bilang opisyal ng Philippine National Police.
Dagdag pa ni Lacson, ipinagtanong din niya sa mga sources niya ng lumabas ang pangalan ni halili sa narcolist pero wala syang nakuhang feedback.
Sa pagkakaalam ni Lacson sa operasyon ng Jueteng sa Region 3 naging sangkot noon si Halili.
Pero ayon kay Lacson, noong naging hepe sya ng PNP ay pinahinto niya ang opersyon ng jueteng kaya posibleng huminto na rin si Halili.
Facebook Comments