IGINIIT | Senator Trillanes, umapela na huwag maniwala na paiikliin ni Pangulong Duterte ang kanyang termino

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Antonio Trillanes IV na isang bitag ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais nitong paikliin ang kanyang termino sa oras na mabuksan na ang charter change.

Bunsod nito ay umaapela si Trillanes sa mga Senador at kongresista na huwag maniwala at magpaloko sa mga pahayag ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Trillanes, ang totoo ay pinapakagat lamang ni Pangulong Duterte ang mga mambabatas para sa oras na mabuksan ang Cha-cha ay magagahasa na nito ang constitution para hindi matuloy ang 2019 elections at manatili sila sa pwesto.


Ipinaalala pa ni Trillanes ang pangako ni Pangulong Duterte na bababa sya sa pwesto kapag sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan ay hindi niya nalinis ang korapsyon, krimen at ilegal na droga sa bansa.

Diin ni Trillanes, sa mga pangako ng Pangulo ay wala pang natutupad.

Hamon ni Trillanes kay Pangulong Duterte gawin na lang nito ang sinasabing pagbibitiw sa pwesto dahil pagod na, sa halip na mag drama at maglatag pa ng mga kondisyon.

Facebook Comments