IGINIIT | Shabu na galing magnetic lifters, posibleng umabot na sa Mindanao – PDEA

Mataas ang posibilidad na kumalat hanggang Mindanao ang shabu na nanggaling sa magnetic lifters na nadiskubre sa General Mariano Alvarez, Cavite.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino – batay sa impurity profiling ng PDEA sa mga narekober na shabu sa Mindanao ay mayroon itong ‘high correlation’ o pagkakatulad sa nakuhang shabu sa Maynila noong Agosto.

Ibig sabihin lamang aniya nito na kumalat na ang mga nakalusot na ipinagbabawal na gamot.


Ani Aquino, bukod sa isang lugar sa Mindanao, mayroon din silang nakuhang kaparehong shabu sa isang lugar sa Cavite at dalawa naman sa Metro Manila.

Facebook Comments