IGINIIT | Singil sa kuryente ngayon, pinakamababa sa loob ng 6 na taon

Manila, Philippines – Bukas ang pamunuan ang Manila electric company sa mga panukala para sa mga bagong paraan upang mapababa ang singil ng kuryente at mapabuti ang serbisyo ng electric utilities sa bansa.

Sa interview ng RMN DZXL Manila kay Meralco Corporate Communication Assistant Abigail Mendoza, binigyan diin nito na bagaman at hindi sila tutol, nananatiling mababa ang singil ng kuryente sa Pilipinas kumpara sa mga karatig bansa sa Asia.

Ayon kay Mendoza, batay sa international energy consultant, bumaba ng 18-percent ang singil sa kuryente ngayon taon kumpara noong nakaraang taon.


Aniya, ito na ang pinakamababang naitala sa loob ng anim na taon, kung saan parehas lang ang sinisingil na presyo sa kuryente noong 2012.

Naniniwala si Mendoza na nakadepende ang singil sa kuryente sa kinokonsumo ng isang tahanan.

Una nang lumabas sa Pulse Asia Survey na walo sa bawat sampung Pinoy ay gustong isulong ang mga bagong paraan para mapababa ang singil sa kuryente sa bansa.

Facebook Comments