Manila, Philippines – Iginiit ni Albay Rep. Edcel Lagman na hindi sapat ang pagbibitiw ni Solicitor General Jose Calida bilang Chairman at Presidente ng Vigilant Investigative and Security Agency, Inc.
Ayon kay Lagman, si Calida pa rin ang stock owner ng security agency kahit nagbitiw ito sa posisyon.
Hindi rin aniya naaalis ang interes ng pamilya ni Calida sa pagbibitiw sa sariling kumpanya.
Nakaapekto din ang posisyon ni Calida sa pamahalaan upang impluwensyahan at makakuha ng kontrata sa gobyerno.
Aniya, mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act at sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees ang isang kawani ng pamahalaan na mayroong mga financial interest at intervention sa kumpanya na pumasok sa kontrata sa gobyerno.