Manila, Philippines – Nanindigan si Solicitor General Jose Calida na hindi siya magbibitiw sa pwesto.
Ito ay kasunod ng panawagan ng ilan dahil sa pagkapanalo ng kanyang quo warranto case na nagresulta ng pagkakatanggal kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Iginiit ni Calida na malinis ang kanyang konsyensya at galit lamang sa kanya ang kanyang mga kritiko dahil pinaboran ng Supreme Court en banc ang quo warranto.
Nabatid na naghain ng reklamong graft laban kay Calida ang isa sa tagasuporta ni Sereno na si Jocelyn Marie Acosta.
Binanggit ni Acosta ang dokumento mula sa securities and exchange commission kung saan pagmamay-ari ni calida ang 60% ang Vigilant Investigative and Security Agency Inc. (VISAI) na pagmamay-ari ng kanyang asawa na si Milagros.
Ayon kay Calida, walang basehan ang mga alegasyon laban sa kanya.