IGINIIT | Solicitor General Jose Calida, nanindigang walang iregularidad sa nakuhang 40 million contract

Manila, Philippines – Nanindigan si Solicitor General Jose Calida na walang iregularidad sa nakuhang P40 million contract sa National Parks Development Committee (NPDC) ng kanyang security agency.

Ayon kay Calida, dumaan sa tamang proseso ang nasabing kontrata para ng security agency na Vigilant Investigative and Security Agenecy Inc. (VISAI) na pinamamahalaan ng kanyang misis na si Milagros.

Ang mga security guards ng VISAI ang nagbabantay sa Luneta at Paco Park na nasa ilalim ng pangangasiwa ng NPDC.


Sinabi ni Calida na dumaan sa bidding ang nasabing kontrata at hindi siya ang direktang nangangasiwa sa nasabing security agency kaya wala siyang nilalabag na mga batas.

Nilinaw pa ni Calida na hindi saklaw ng isyu ang Republic Act 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials dahil hindi naman siya opisyal ng VISAI kundi ang asawa niyang si Milagros.

Bukod sa Luneta at Paco Park, ang VISAI ay may kontrata rin sa National Economic and Development Authority (NEDA), National Anti-Poverty Commission (NAPC) at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Facebook Comments