IGINIIT | Special Assistant to the President Bong Go, wala daw pangarap maging senador

Manila, Philippines – Muling binigyang diin ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na wala siyang planong tumakbo bilang senador.

Ito ay kahit pa nangako si Pangulong Rodrigo Duterte ng suporta kung sakaling mapagdesisyunan niyang tumakbo sa susunod na taon.

Ayon kay Go, wala siyang pangarap maging senador at kaniya na lamang gagawin ang nai-atas na trabaho.


Dadag pa ni Go, sinusunod lamang din niya kung anuman ang ipinag-uutos ng Pangulo dahil sa kaniyang katapatan dito kung saan naniniwala din siya na magulo ang pulitika lalo na at hindi naman daw siya isang pulitiko.

Facebook Comments