Manila, Philippines – Iginiit ng Philippine National Police na patuloy nitong ipatutupad ang street operations sa gitna ng matinding kritisismo kasunod ng pagkamatay sa kulungan ng isang inarestong lalaki na umano ay tambay sa Quezon City.
Paglilinaw ni PNP Chief, Dir/Gen. Oscar Albayalde – ipinatutupad lamang nila ang mga city at municipal ordinances lalo na ang pagbabawal sa pag-iinum sa kalye, anti-smoking, walang suot na pang-itaas na damit at curfew.
Hindi na aniya gagamitin ang salitang ‘Anti-Tambay Operations’ dahil hindi naman layunin ng operasyon na hulihin ang mga tambay subalit binibigyang diin ang pagpapatupad ng mga ordinansa.
Una nang binigyang linaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang inilabas na utos na arestuhin ang mga tambay.