IGINIIT | Trillanes, dapat harapin ang kaso kaysa banatan ang administrasyon

Manila, Philippines – Pinalagan ng Malacañang si Senador Antonio Trillanes matapos nitong banatan muli ang administrasyon kaysa harapin ang kasong libelong isinampa laban sa kanya sa Davao Court.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, tila ‘wala na sa katinuan’ ang senador dahil imbes na harapin ng ito ng patas ang kaso ay nagpapakawala pa ito ng mga pahayag sa media para atakehin ang administrasyon.

Iginiit ni Panelo – hindi exempted ang senador mula sa prosekusyon.


Ipinaalala ng Palasyo kay Trillanes na ang lahat ay mananagot sa batas sakaling may nilabag ito.

Nitong Biyernes (December7), naglabas ang Davao City Regional Trial Court Branch 54 ng arrest warrant laban kay Trillanes kaugnay sa kasong libel na isinampa ni dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at brother-in-law na si Atty. Manases Carpio.

Facebook Comments