IGINIIT | Trillanes, dapat itigil na ang drama at hayaan nalang gumulong ang proseso ng batas – ayon sa Malacañang

Sa korte ka nalang magpaliwanag.

Ito ang sinabi ng Palasyo ng MalacaƱang matapos maglabas ng warrant of arrest ang Makati RTC laban kay Senador Antonio Trillanes IV dahil sa kasong Rebellion na may piyansang 200,000 pesos.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, tulad ng sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte ay igagalang ng MalacaƱang ang desisyon ng hudikatura.


Sinabi din ni Roque na anoman ang gustong sabihin ni Trillanes ay mas magandang sabihin nalang niya ito sa korte.

Payo pa ni Roque, dapat ay itigil na and drama sa pamamagitan ng pagpapatawag ng mga presscon at hayaan nalang nitong umandar ang legal na proseso sa kanyang kaso.

Facebook Comments