iGising Na!: Bobbyscopes

ARIES (March 21 – April 19) Maraming hakbangin ang pagsisisihan mong ginawa mo ngayong umaga. Kagaya na lang ng pagpatay-patay mo ng sampu mong alarm hanggang sa tinanghali ka na ng gising.
TAURUS (April 20 – May 20) Di maikapagkakailang marami kang magiging problema ngayon ngunit mas makakabuti sa iyong kalusugan kung hindi mo ito masyadong didibdibin. Dahil una sa lahat, wala ka naman non.
GEMINI (May 21 – June 20) Huwag basta maniwala sa nakikita ng iyong mga mata. Matutuwa ka dahil makakakita ka ng bote ng soft drinks sa ref. Pero ang totoo, tubig lang yung laman non. Mahal na softdrinks ngayon wag kang ano!
CANCER (June 21 – July 22) Kailangan mo nang tanggapin na mga bagay talaga na hindi nagbabago. Tignan mo noon maliit ka, ngayon, maliit ka pa rin.
LEO (July 23 – August 23) Panahon na para imulat ang mga mata sa katotohanan na may mga bagay talaga na daraan at daraan lang sa buhay natin. Tulad na lang ng sahod mo. Diba? Dumaan lang?
VIRGO (August 23 – Sept 22) Piliin kung sino ang kaya mo lang na kalabanin. Awayin mo na lahat wag lang ang nanay mo. Dahil pag inaway mo yan, wala ka nang nanay, wala ka pang titiran.
LIBRA (Sept 23 – Oct 22) Gusto mo sanang lumabas ngayong araw para manood ng sine, kaso maaalala mo na walang mag babantay ng bahay at susunduin mo pa ang kapatid mo sa school.
SCORPIO (Oct 23 – Nov 21) Susubukan mong magluto kaso madi disappoint ka lang. Yung lulutuin mong adobo, lasang sinigang. Sayang lang.
SAGITARIUS (Nov 22 – Dec 1) Tandaan mo na sa hinaba haba mg prosisyon, mauuntog ka parin. Hindi mo mapapansin na may nakaharang sa iyong dinaraanan, mas mabuting maging maingat ngayong araw.
CAPRICORN (Dec 22 – Jan 19) Marami kang maiisip gawin ngayong araw, mag dra drawing ka, kakanta ka, mananaginip ka ng gising. Hanggang sa unti unti mong maaamoy na nasusunog na ang sinaing. Lagot ka ngayon!
AQUARIUS (Jan 20 – Feb 18) Magiging matigas ang ulo mo, pero ma re realize mo hindi pala talaga matigas yan nung hinampas ka ng hanger ng nanay mo kasi ayaw mong sumunod.
PISCES (Feb 19 – March 20) Marami kang boses na maririnig habang nanaginip. Huwag kang matakot, hindi ka binabangungot. Naririnig mo lang ang nanay mo nag sisigaw ng mga utos mo.

Facebook Comments