IGL workers na naapektuhan ng POGO ban, kasama sa mga target mabigyan ng trabaho sa Jobstreet Career Con

Target ng Department of Labor and Employment (DOLE) na mabigyan ng trabaho sa Jobstreet Career Con 2025 ang mga Internet Gaming Licensee (IGL) workers na naapektuhan ng POGO at IGL ban.

Sa ambush interview sa SMX Convention Center sa Pasay city, sinabi ni Labor Secretary Benny Laguesma na nasa 100 na IGL workers ang nakiisa sa unang araw ng job fair kahapon.

Pero malayo pa rin aniya ito sa halos 4,000 na mga naapektuhang IGL workers.


Karamihan kasi aniya sa mga alok na sweldo sa mga trabaho sa job fair ay entry level o minimum wage, na mas mababa kumpara sa sahod at benepisyo sa sa dati nilang trabaho.

Gayunpaman, may mga employers naman daw na nag-aalok ng high-end jobs at umaasa si Laguesma na makakapasok dito ang IGL workers.

Facebook Comments