Kumpirmadong magsasagawa ng rally ang Iglesia ni Cristo (INC) sa Enero 13, 2025 para suportahan ang panawagan ni Pang. Bongbong Marcos na huwag nang isulong ang impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte.
Ayon sa source ng DZXL News – RMN Manila, inanunsyo ang petsa sa pamamagitan ng isang sirkular na binasa sa mga pagsamba o worship service ng INC kahapon at ngayong araw.
Ang naturang aktibidad, na tatawaging “rally for peace” ay idaraos sa iba’t ibang sentro ng bawat rehiyon sa buong bansa.
Sa Metro Manila, gaganapin ang rally sa Liwasang Bonifacio sa Maynila.
Facebook Comments