IGNORANTE | Ilang online Filipinos, ‘ignorante’ pagdating sa ilang mahahalagang isyu ng bansa – survey

Manila, Philippines – Itinuturing na ‘ignorante’ ang ilang online Filipinos pagdating sa ilang mahahalagang isyu ng bansa.

Batay sa survey ng Perils of Perception 2017, nasa ikatlong pwesto ang Pilipinas mula sa 38 bansa na ‘inaccurate’ o mali ang kaalaman sa mga usapin pagdating sa tala o bilang ng murder, terrorist deaths, teenage pregnancy at diabetes.

Ang mga bansang Sweden, Norway at Denmark naman ang nakakuha ng ‘most accurate perception’.


Ang survey ay isinagawa ng IPSOS Online Panel System sa pamamagitan ng online o face-to-face method.

Sa Pilipinas, 500 indibidwal na may edad 16 hanggang 64 ang isinama sa survey.

Facebook Comments