Ihahaing apela ni Andal Ampatuan Jr., pinaghahandaan na ng DOJ

Inaasahan na  ni Justice Secretary Menardo Guevarra na iaapela ng kampo ni Datu Andal Ampatuan Jr. ang hatol na guilty ng korte kaugnay sa Maguindanao Massacre case.

Sinabi ni Guevarra na karapatan ng sinuman na kwestyunin ang anumang hatol ng hukuman na hindi paborable sa kanya at ito ay ginagarantiyahan ng Saligang Batas.

Gayunman, tiniyak ng kalihim na kapag naisumite na ni Andal Jr. ang kanyang apela ay maghahain ang DOJ ng oposisyon para kontrahin ang apela ni Ampatuan.


Bukod kay Andal Jr., nahatulan din ng reclusion ang iba pang miyembro ng pamilya Ampatuan at iba pang pangunahing akusado sa kaso.

Facebook Comments