Ihahaing counter-affidavit ng kampo ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo, dapat patunayang lehitimo ang pagpapanotaryo – Comelec

Pinagbigyan ng Commission on Elections (COMELEC) ang hiling ng kampo ng sinibak na si Bamban Mayor Alice Guo na palawigin pa ang deadline ng paghahain nito ng counter-affidavit kaugnay sa kinakaharap na reklamong misrepresentation.

Ayon sa Comelec, may hanggang September 2 na ang kampo ni Guo upang maghain ng kontra salaysay.

Paliwanag ni Comelec Chairman George Garcia, awtomatiko nilang iginagawad sa requesting party ang extension gaya ng inihaing petisyon ng kampo ni Guo.


Sa kabila nito, nilinaw ni Garcia na hindi na nila pagbibigyan sa sunod ang kampo ni Guo at sapat na ang isang beses.

Samantala, sakaling maghain na ng counter-affidavit ay kailangang patunayan ng kampo ni Guo na ang dating mayor mismo ang pumirma at kung paano ito napirmahan at napa-notaryo.

Kapag natuklasan naman na hindi totoong nanumpa si Guo sa isang notary at babalewalain na lamang ng poll body ang inihaing counter-affidavit kahit pirmado pa ito.

Facebook Comments