IHINIHIRIT | 334 pesos na umento sa sahod ng mga manggagawa, isinusulong ng ALU-TUCP

Manila, Philippines – Isinusulong ngayon ng grupong Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) ang P334 na umento sa sahod matapos na sumipa sa 6.2% ang inflation rate sa ikatlong quarter ng 2018.

Hunyo nang humirit ang grupo ng P320 na dagdag sa sweldo para sa mga manggagawa sa Metro Manila matapos ang taas-presyo sa mga bilihin at serbisyo.

Ayon kay ALU-TUCP Spokesperon Alan Tanjusay – ang naunang petisyon ay ibinase pa nila sa inflation rate noong unang quarter ng taon.

Malaki aniya ang naging impluwesya ng magkakasunod na pagtaas ng inflation rate at pag-apruba ng ltfrb sa dagdag-pasahe ng mga jeep at bus kaya nirebisa nila ang nasabing petisyon.

Kung maaprubahan, magiging P846 ang sahod ng isang manggagawa kada walong oras.

Sa kasalukuyan, tumatanggap ng P512 na minimum wage ang mga manggagawa sa Metro Manila.

Sabi naman ni DOLE Sec. Silvester Bello III – nanakakasa na sa lunes ang gagawin nilang konsultasyon at public hearing hinggil dito.

kasama ring magdedesisyon ang Department of Trade & Industry, National Economic Development Authority, mga kinatawan ng labor group at employer group.

Facebook Comments