IHINTO ANG PANINIGARILYO | Isang pro-health group, nanawagan ng smoke-free na pasko

Manila, Philippines – Nanawagan ng ‘Christmas smoke-free’ ang grupong New Vois Association of the Philippines (NVAP).

Ayon kay NVAP President Emer Rojas, sa panahong ito kabi-kabilang Christmas parties ang mga nagaganap resulta ng madalas na pagyoyosi.

Aniya, magandang ibigay na regalo ng mga smokers sa kanilang pamilya, kaibigan at mahal sa buhay ngayong pasko ay ihinto ang paninigarilyo.


Nanawagan din si Rojas sa mga lokal na pamahalaan at sa law enforcement units na mahigpit na ipatupad ang nationwide smoking ban.

Hinihikayat din ng grupo na gawin na ring new year’s resolution ng smokers ang paghithit sa sigarilyo.

Facebook Comments