IIang lugar sa Metro Manila at kalapit lalawigan, mawawalan ng supply ng tubig simula sa Linggo ayon sa Maynilad

Nag-abiso na ang Maynilad na mawawalan ng supply ng tubig ang ilang lugar sa Quezon City, Caloocan, Valenzuela sa Metro Manila at Bulacan sa darating na araw ng Linggo at Lunes.

Ito ay upang bigyang daan ang isasagawang maintenance activities sa Quezon City at Valenzuela City para mapabuti pa ang serbisyo ng patubig sa West Zone.

Dahil dito, ang mga customer sa mga nabanggit na lugar ay makararanas ng paghina ng pressure o kawalan ng tubig sa loob ng ilang oras.


Sa QC, kabilang sa maaapektuhan nito ang Barangay Capri, Gulod, Nagkaisang Nayon, North Fairview, Novaliches Proper, San Agustin at Sta. Monica.

Sa Calookan City, ang mga lugar na mawawalan ng tubig ay ang Barangay 165 at 166, Deparo, Llano at ang maraming lugar sa Valenzuela City kabilang ang Obando at Meycauayan water district sa Bulacan.

Magsisimula ito sa pagitan ng alas-12:00 ng tanghali ng Oktubre 18 at alas-7:00 ng umaga ng Oktubre 19, 2020.

Ngayon pa lang, pinapayuhan ng Maynilad ang mga apektadong customer na mag-ipon ng sapat na tubig para sa itatagal ng water service interruption.

Pagtitiyak pa ng water concessionaire na may mga water tankers silang inihanda para mag-deliver ng tubig kung kinakailangan.

Facebook Comments