Ilang lugar sa Eastern Visayas, nawalan ng kuryente dahil sa epekto ng Bagyong Bising

Naapektuhan na rin ang power supply sa ilang lugar sa Eastern Visayas dahil sa Bagyong Bising.

Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), kabilang sa nawalan ng suplay ng elektrisidad ang Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Leyte at Southern Leyte.

Ayon sa NGCP, kabilang sa mga transmission line na hindi makapagsuplay mg kuryente mula pa kahapon ang Palanas Cara, Catarman, Allen, Lao, ang 69 kilovolt line, Calbayog, Bliss 69kv line, Paranas, Quinapondan 69kv line, Babatngon Arado 69kv line at Nasaug-San Isidro 69kv line.


Nangako naman ang NGCP na magpapatupad agad ng inspection at restoration sa mga affected transmission line sa sandaling kumalma na ang panahon.

Facebook Comments