IIMBESTIGAHAN | Archdiocese of Manila, pinaiimbestigahan ang magarbong kasalan sa Santuario de San Antonio Parish sa Forbes Park Makati

Manila, Philippines – Pinagpapaliwanag ng Archdiocese of Manila si Father
Reu Jose Galoy, kura paroko ng Santuario de San Antonio Parish sa Forbes
Park Makati kung bakit napakataas ang ang halaga ng bayad ng pagpapakasal
sa naturang simbahan.

Ayon sa opisyal ng Archdiocese of Manila, naaabuso rin ang Simbahan sa mga
seremonya ng kasal kung saan ay nagagamit ang kanilang pasilidad sa mga
lihim na agenda upang makilala bilang mayayaman at tanyag.

Matatandaan na inalmahan ng mga wedding organizer/wedding planers,
coordinators, event organizes ang mahal na package sa pagpapakasal sa
Sanctuario de San Antonio Parish na ginagawa na umanong negosyo ang
pagpapakasal kung saan sila ang nagtatakda kung magkano ang gagastusin ng
mag-asawa o magpapakasal.


Ang Santuario de San Antonio Parish pa naman ay isang Franciscan Church na
kongregasyong kilala sa misyon ng pagtulong sa mga mahihirap sa pamamagitan
ng mga programang makapaggaan at nagpapaangat sa buhay ng mga mahihirap.

Facebook Comments