IIMBESTIGAHAN | Board of inquiry binuo ng PNP para tutukan ang pag-iimbestiga sa naganap na misencounter sa Samar

muo ang Philippine National Police (PNP) ng 5 Man Board of Inquiry para matutukan ang pag-iimbestiga sa nangyaring  misencounter sa Sta. Rita Samar kahapon.

Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde pangungunahan ang board of inquiry ng director ng Directorate for Integrated Police Operations o DIPO Eastern Visayas na si Director Rolando Felix.

Kasama sa board ang mga opisyal ng Directorate for Operations, CIDG, Directorate for Logistics at Secretary.


Ngayong araw naman tutungo sa Samar si General Albayalde kasama ang mga miyembro ng board of inquiry para simulan agad ang imbestigasyon.

Sa misencounter ng pulis at Philippine Army anim na pulis ang nasawi at siyam ang sugatan mula sa Regional Mobile Force Battalion ng PNP Region 8 o Eastern Visayas.




Facebook Comments