IIMBESTIGAHAN | CAAP, iniimbestigahan na ang pag-overshoot ng isang eroplano sa runway ng Francisco B. Reyes Airport sa Coron, Palawan

Coron, Palawan – Iniimbestigahan na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang pag-overshoot ng skyjet flight M8-717 sa runway ng Francisco B. Reyes Airport sa Coron, Palawan.

Sa nasabing insidente, ligtas naman ang lahat ng 80 pasahero at anim na crew members nito pero dahil dito, kinansela ng Cebu Pacific ang mga flights nila sa pagitan ng Manila at Busuanga ngayong umaga.

Kabilang sa mga flights na kinansela ay ang:
DG 6041 Manila-Busuanga (Coron) 5:50am
DG 6042 Busuanga (Coron)-Manila 8:15am
DG 6057 Manila-Busuanga (Coron) 9:35am
DG 6058 Busuanga (Coron)-Manila 11:20am


Pinayuhan naman nila ang mga nakakuha ng tickets na maaari nilang ipa-rebook ang kanilang flight o puwede ring ipa-refund.

Facebook Comments