Manila, Philippines – Iniimbestigahan na ng Commission on Human Rights o CHR ang nangyaring pag-aresto sa grupo nina dating Bayan Muna Representative Satur Ocampo at ACT Teachers Partylist Representative France Castro sa Davao del Norte.
Ayon kay CHR Chairman Chito Gascon, nagpadala na sila ng fact finding team sa Talaingod, Davao del Norte para alamin kung nalabag ba ang karapatan ng nina Ocampo, Casto at kanilang mga kasamahan.
Gayunman, sinabi ni Gascon na masyado pang maaga para kondenahin ang insidente lalo na at hindi pa napag-aalaman ang dahilan nang pagkaka-aresto sa mga ito.
Matatandaang November 28 nang arestuhin sina Ocampo, Castro at 16 iba pa habang nasa gitna ng kanilang solidarity mission sa Lumad schools sa nasabing bayan.
Facebook Comments