Magsasagawa ng sariling imbestigasyon ang Commission on Human Rights o CHR sa nangyaring pagpatay sa tinaguriang Sagay 9 sa Negros Occidental.
Ayon kay CHR spokesperson Jacqueline De Guia, nagpadala na sila ng mga tao sa pinangyarihan ng krimen para kumuha ng mga testimonya bilang bahagi ng kanilang imbestigasyon.
Nakipag-ugnayan na rin aniya sila sa Department of Agrarian Reform (DAR) at Philippine National Police (PNP).
Facebook Comments