Magsasagawa ng sariling imbestigasyon ang Commission on Human Rights (CHR) kaugnay ng pananambang ng New People’s Army (NPA) sa convoy ni Food and Drug Administration (FDA) Director Nela Charade Puno sa Lupi, Camarines Sur.
Ayon sa CHR, ang naganap na ambush ay labag sa International Humanitarian Law.
Anila, nagpapakita lang na ito ay isang manipetasyon ng paglala ng ‘culture of killing’ kung saan maging miyembro ng kapulisan ay napapahamak.
Kasabay nito, nanawagan ang CHR sa pamahalaan na pagtuunan ng pansin ang nangyari at dapat ay magkaroon ng long-term na mga solusyon rito.
Matatandaang napatay sa nangyaring ambush ang tatlong pulis habang sugatan ang tatlong iba pa.
Facebook Comments