IIMBESTIGAHAN | CHR, sinimulan na ang imbestigasyon ukol sa pagkamatay ng isang lalaking inaresto kasabay ng kampanya kontra tambay

Manila, Philippines – Sinimulan na ng Commission on Human Rights (CHR) ang kanilang imbestigasyon ukol sa pagkamatay ng isang 22-anyos na lalaki na inaresto sa anti-loitering operation sa Quezon City.

Ayon kay CHR Chairman Chito Gascon, sinisiyasat na nila ang kaso ni Genesis Argoncillo na namatay sa kulungan matapos siyang arestuhin dahil sa walang suot na pang-itaas sa labas ng kanilang bahay.

Naniniwala aniya ang pamilya ng biktima na ginulpi at pinagpapalo si Argoncillo kaya ito namatay subalit iginiit ng pulisya na nasawi ito dahil sa hirap sa paghinga.


Sabi ni Gascon, handa silang magsagawa ng awtopsiya para malaman ang dahilan ng kamatayan ni Argoncillo.

Una nang nagbabala ang CHR sa PNP laban sa kampanya nito laban sa mga tambay sa kalsada.

Facebook Comments