IIMBESTIGAHAN | Dahilan ng pagkahulog ng 4-anyos na koryano sa condo sa Taguig, inaalam na

Taguig City – Nagsasagawa pa rin ng malalimang imbestigasyon ang pamunuan ng Southern Police District (SPD) hinggil sa kamatayan ng isang apat na taong gulang na Koreano kahapon sa ika-39 na palapag ng Serendra Condominium, Bonifacio Global City sa Taguig.

Base sa report ng SPD, alas 12:05 kahapon ng hapon nang mahulog ang biktimang si Kim Do Young, 4-anyos batang koryano mula sa 39th floor pababa sa ikalawang palapag ng Two Serendra.

Naisugod pa ang bata sa Saint Lukes Hospital pero idineklarang dead-on-arrival ng mga doktor.


Inaalam ng mga imbestigador ng SPD kung nandoon ang yaya at magulang ng bata ng mangyari ang aksidente.

Facebook Comments