Butuan City – Wala ng buhay ng matagpuan ang isang dating miyembro ng US Coast Guard sa tinutuluyan nitong hotel sa Barangay Imadejas, Butuan City.
Nakilala ang biktimang si Ramon Burdeos Jr., 83-anyos at residente sa Houston, Texas.
Nabatid na ilang araw pa lamang na nag-check in sa hotel ang biktima kung saan una itong humingi ito ng tulong sa frontdesk sa hindi pa malamang dahilan.
Nang puntahan ng staff ng hotel, nakita na lamang na nakahandusay na ang biktima kaya at agad itong dinala sa Butuan Doctor’s Hospital ngunit dineklarang dead on arrival.
Inaalam pa ng mga otoridad kung namatay ito sa kaniyang sakit na nararamdaman o may foul play na nangyari dahil maraming kalat sa loob ng kwarto nito ng puntahan ng mga pulis.
Facebook Comments