IIMBESTIGAHAN | DepEd iniimbestigahan na ang maanomalyang pagbili ng mga overpriced na pang-ahit

Manila, Philippines – Bumuo na ang Department of Education (DepEd) ng fact finding committee na mag-iimbestiga sa umano ay maanomalyang pagbili ng overpriced na razor o pang-ahit ng DepEd Region 10 office o sa Northern Mindanao.

Ito ay matapos mabalita ang pagbili ng DepEd Region 10 ng mga pang-ahit sa presyong P1,878 pesos kada piraso, gayung nasa 200 pesos lamang umano ang presyo nito.

Ang nasabing kumite ay naatasang himayin at suriin ang mga dokumentong may kaugnayan sa nasabing transaksyon.


Nangako naman ang ahensya na agad silang magbibigay ng update kapag mayroon ng resulta ang imbestigasyon ng kumite.

Sa ngayon, tiniyak ng DepEd na hindi nila kokonsintihin ang anumang maanomalyang transaksyon.

Base sa mga ulat, may 13 pang-ahit na umanong nai-deliver sa halagang mahigit P24,000.

Ang mga razor ay para sa kursong hairdressing para sa senior high school at bahagi ng 9 na milyong pisong budget para sa pagbili ng ibat-ibang gamit para sa kurso sa nasabing rehiyon.

Facebook Comments