Manila, Philippines – Iimbestigahan ng Dept. of Foreign Affairs (DFA) ang kaso ng isang Pinay domestic helper na natagpuang patay sa loob ng isang hotel sa Jeddah, Saudi Arabia.
Ayon sa DFA, ipinarating lamang sa kanila ng Filipino community doon ang insidente.
Tumanggi muna ang DFA na pangalanan ang 52-anyos na Pinay na halos 11 taon nang nagtatrabaho roon.
Nakikipag-ugnayan na ang DFA sa Saudi police hinggil sa pagkamatay ng biktima.
Facebook Comments