IIMBESTIGAHAN | DILG, hinikayat ni Senador Panfilo Lacson na imbestigahan ang bentahan ng ID sa isla ng Boracay

Manila, Philippines – Hinikayat ni Senador Panfilo Lacson ang Department of Interior and Local Government (DILG) na imbestigahan ang bentahan ng ID sa isla ng Boracay.

Ito ay kasunod ng kanyang pagkakadiskubre sa ganitong gawain nang magpunta siya sa Boracay.

Ayon kay Lacson, isang opisyal ng barangay sa isla ang nangingikil ng P400,000 sa isang negosyante kapalit ng pagbibigay ng ID para makapasok siya sa Boracay maging ang kaniyang mga empleyado.


Sabi ni Lacson, maaaring gamitin ng nasabing opisyal ang pera para pondohan ang kaniyang kampaniya sa nalalapit na eleksyon sa Mayo 14.

Facebook Comments