IIMBESTIGAHAN | DOJ, pinasisilip na sa NBI kung magkakaugnay ang pagkakapatay sa tatlong lokal na opisyal

Manila, Philippines – Inatasan na ni Departmnet of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) na silipin kung may pagkakaugnay ang sunud-sunod na pagpatay sa mga lokal na opisyal.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, pinasasagawa na ang NBI ng fact-finding investigation sa pagpatay kay Trece Martires City Vice Mayor Alex Lubigan.

Si Lubigan ang ikatlong local executive na pinaslang nitong dumaan na linggo pagkatapos kina Tanauan City, Batangas Mayor Antonio Halili at General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote.


Aalamin din kung konektado ang mga pagpatay sa ulat na destabilisasyon ng gobyerno.

Facebook Comments