IIMBESTIGAHAN | Emergency landing ng isang military chopper sa Zamboanga kahapon iniimbestigahan na

Zamboanga City – Nagsasagawa na ngayon ng imbestigasyon ang Philippine Air Force para alamin ang dahilan ng nangyaring emergency landing ng isang military helicopter sa Zamboanga City kahapon.

Sinabi ni Philippine Airforce Spokesperson Major Aristides Galang, ang UH-1H NR 504 ay lumipad ng 3:30 ng hapon kahapon mula sa Edwin Andrews airbase para sa isang routine training flight.

Pero nagkaroon ng in-flight emergency kaya napilitang magsagawa ng precautionary landing ang piloto sa Ayala area sa Zamboanga City.


Wala aniyang nasaktan sa mga pasahero, pero nasira ang helicopter.

Sa report naman ng Zamboanga Police office alas-5 ng hapon kahapon nang mag-emergency landing ang naturang chopper sa Bernardo farm zone 8 ng Barangay Ayala, na ngayon ay nanatili pa rin sa lugar.

Facebook Comments