IIMBESTIGAHAN | Facebook account ng Cambodian Prime Minister, na-hack!

18

Cambodia – Na-hack ang facebook account ni Cambodian Prime Minister People’s Party Hun Sen.

Nagpakalat ang hacker ng mga pekeng balita kung saan isa sa inilabas ay ang pagbabakante ng apat na upuan.

Nakakuha kasi ng 125 na upuan sa parliamento si Cambodian People’s Party (CPP) Hun Sen.

Umabot ng halos isang oras ang nasabing post na mayroong 3,300 na likes bago ito tuluyang inalis.

Inaalam pang mabuti ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek na nasa likod hacking.

Facebook Comments