IIMBESTIGAHAN | Indian Nationals na naaresto sa drug operations, pinatututukan

Manila. Philippines – Iniimbestigahan na ng Bureau of Immigration (BI) ang pagkakasangkot ng ilang Indian nationals sa drug trade sa bansa.

Inatasan na ni Immigration Commissioner Jaime Morente si Atty. Sherwin Pascua, Chief ng Immigration Intelligence Division, na magpadala ng team sa probinsya kung saan naaresto ang tatlong Indian nationals.

Kinilala ang mga naarestong Indian nationals na sina Amandeep Tangri, Joginder Pal Tangri at Tehal Singh na sinasabing may mga expired na visa.


Ayon sa Immigration, bukod sa kasong isasampa ng PDEA, kakasuhan din ang tatlong Indians ng paglabag sa Philippine Immigration Law.

Hindi muna ipapadeport ang mga dayuhan dahil kailangan muna nilang tapusin ang kinakaharap na kasong kriminal sa Pilipinas.

Facebook Comments