IIMBESTIGAHAN | Justice Sec. Aguirre, tiniyak na tutukan ang imbestigasyon ng NBI sa nangyaring sunog sa NCCC Mall

Manila, Philippines – Tiniyak ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre na tututukan niya ang gagawing imbestigasyon ng NBI sa nangyaring sunog sa Davao City Mall.

Una nang inatasan ni Aguirre ang NBI na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa tunay na dahilan ng sunog sa NCCC mall.

Nais din matukoy ng DOJ sa gagawing imbestigasyon ang posibleng criminal liability ng mga responsable dito.


Kasama rin sa direktiba ni Aguirre ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga responsable sa trahedya.

Facebook Comments